.comment-link {margin-left:.6em;}

Fairview Park UMC

This WAS the Official Website of the Fairview Park United Methodist Church

Monday, February 27, 2006

Mga Aral sa Likod ng Pagbabagong Anyo ni Jesus

Prepared and edited by
Rev. Anacleto G. Guerrero
FPUMC Administrative Pastor
.................

Note: Somebody gave me a ring today and asked me if I am willing to upload my sermon last Sunday, February 26, 2006, during the Tagalog Worship Service at 7:30 a.m. I assured her I will and here it is.
.......................
Fairview
Park
United Methodist Church
Tagalog Worship Service
February 26, 2006 7:30 a.m.
.................

Paksa: Mga Aral sa Likod ng Pagbabagong Anyo ni Jesus
Teksto: Marcos 9:2-9 (Mateo 17:1-13; Lucas 9:28-36)

Panimula
Isa sa mga referensiya natin sa leksionaryo sa linggong ito ay ang tungkol sa pagbabagong anyo ni Jesus sa isang bundok na kasama ang tatlo niyang alagad—sina Pedro, Juan at Santiago. Ito’y matatagpuan sa Marcos 9:2-9. Mababasa din ito sa Mateo 17:1-13 at Lucas 9:28-36. Gagamitin natin sa ating pagbubulaybulay ang kay Marcos, Marcos 9:2-9. Pinamagatan ko ang pagbubulay na ito ng “Mga Aral sa Likod ng Pagbabagong Anyo ni Jesus.”

Marcos 9:2-9

Nangyari ito anim na araw [Lucas: 8 araw] pagkatapos ng pagpapahayag ni Jesus sa kanyang mga alagad tungkol sa kanyang kamatayan. Kasama ni Jesus sina Pedro, ang magkapatid na Santiago at Juan na umakyat sa isang mataas na bundok. [Lucas: Samantalang siya’y nananalangin. . .] Doon nakita ng mga alagad ang pagbabagong anyo ni Jesus—nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha (-Mateo) at pumuting parang busilak and kanyang damit (-Mateo). Nakita din nila si Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus. [Lucas: Pinag-usapan nila ang nalalapit na pagpanaw ni Jesus na magaganap sa Jerusalem. Tulog na tulog si Pedro at ang kanyang mga kasama, ngunit sila’y biglang nagising at nakita nila si Jesus at ang kanyang mga kausap na si Moises at Elias. Nang papaalis na ang dalawang lalaki nagsalita si Pedro.]

Pedro: “Guro, mabuti pa’y dumito na tayo. Gagawa po kami [“ako”-Mateo) tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises, at isa kay Elias.”

(Hindi nalalaman ni Pedro ang kanyang sinasabi sapagkat masyado ang takot niya at ng kanyang kasama. Nililiman sila ng isang alapaap [ulap-Mateo] at mula rito’y may isang tinig.)

Tinig: “Ito ang minamahal kong Anak […na lubos kong kinalulugdan-Mateo; ang aking (Hinirang-Lucas). Pakinggan ninyo siya.”

(Mateo: “Ang mga alagad ay natakot nang gayon na lamang nang marinig nila ang tinig at sila’y napasubasob. Ngunit nilapitan sila ni Jesus at hinipo. Sabi niya, ‘Tumindig kayo. Huwag kayong matakot.’” . . . Pagdaka, tumingin ang mga alagad sa paligid nila at nakitang wala na silang kasama roon kundi si Jesus. Habang bumababa sila sa bundok ay mahigpit ang tagubilin sa kanila ni Jesus.)

Jesus: “Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang inyong nakita hangga’t hindi muling
nabubuhay ang Anak ng Tao.”

(Sinunod nila ang tagubiling ito, ngunit sila-sila’y nagtanungan kung ano ang kahulugan ng sinabi niyang muling pagkabuhay. Nagtanong sila kay Jesus.)

Mga Alagad: “Bakit po sinasabi ng mga eskriba na dapat munang pumarito si Elias?”

Jesus: “Paririto nga si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. Kung gayo’y bakit sinasabi ng Kasulatan na ang Anak ng Tao’y hahamakin at magtiis ng maraming hirap? Sinasabi ko sa inyo na pumarito na si Elias, at ginawa sa kanya ng mga tao ang gusto nila, ayon sa sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kanya.”
(Mateo: At naunawaan ng mga alagad na si Juan Bautista ang tinutukoy niya.)

Mga Aral sa Teksto:

1. Pag-akyat sa Bundok. Maraming naniniwala na ito ang Bundok Hermon o Bundok Tabor. Ano ngayon ang bundok na aakyatin natin? Ito kaya ang bundok ng pananampalataya na kasama si Jesus? Ano ang inaasahan mong makita o masaksihan sa bundok na ito. Nakita mo ba ang pagbabago ng anyo ni Jesus—mula sa pagiging tao niya sa paningin ng mga tao at ang kanyang pagiging maningning na Panginoon at Tagapagligtas? Kasama ba natin ang Panginoon sa pag-akyat sa bundok ng pananampalataya? Sa bundok ng pananampalataya makikita ang Mesias na sinasabi ng Biblia—mula sa mga propeta at ang mga lingkod ng Dios.

Souls for Sale
Submitted by Dan Oliva, Enumclaw, Washington
Ecclesiastes 3:11; Matthew 10:28
Greed, Human Worth, Immortality

Salon.com reports that 18-year-old Sterling Jones "put his soul up for auction on eBay. Within a few days, eBay removed Jones' offer and alerted him that eBay did not allow the auctioning of human souls.

"According to eBay spokesman Kevin Pursglove, there's no proof Jones can make good to the winning bidder. 'This gentleman would have to make a pretty strong case to us that he could deliver his soul.'"

Wired magazine reports the more successful attempt of a 29-year-old university communications instructor to sell his immortal soul. After a 10-day bidding war, a New York real estate agent purchased it for $1,325. The seller said, "In America, you can metaphorically and literally sell your soul and be rewarded for it. That's what makes this country great."

2. Paggawa ng mga Kubol. Ito ang gustong gawin ni Pedro para sa mga nakita niya—si Jesus, si Moises, at si Elias. Ngunit ito ay di dapat mangyari. Hindi puwedeng sambahin ang sinoman maliban kay Jesus na Dios na nagkatawang tao. Hindi puwedeng sambahin si Moises kahit na siya ang nagbigay ng Sampung Utos na galing sa Dios. Hindi rin puwedeng sambahin si Elias na propeta ng Dios kahit na siya ang isang taong hindi namatay dahil kinuha siya ng Dios sa kalangitan. Kung pinayagan ni Jesus ang ganoong gustong gawin ni Pedro iyon ang magiging umpisa ng pagsamba sa mga taong hindi Dios, mga diyus-diyusan. Kaya naman, hindi puwedeng sambahin at manalangin sa mga sinasabing mga santo o mga santa sapagkat hindi sila kapantay ni Jesus na Panginoon at Tagapagligtas. Iisa lamang ang Anak ng Dios na buhay. Iisa lamang ang Tagapagligtas, at Tagapamagitan sa Dios at sa tao—si Jesus lamang. Kaya nga’t nang sila’y mahimasmasan, wala na silang nakitang iba kundi ang Panginoong Jesus. At ang tinig na kanilang narinig ay nagsabing pakinggan nila si Jesus na siyang tanging Anak na kinalulugdan ng Ama. Ito rin ang sinabi ng tinig nang mabautismuhan si Jesus sa Ilog Jordan.

A False Messiah in Miami

By J. Lee Grady, editor of Charisma. He writes his Fire In My Bones column for Charisma Online.

Fall 2005, Vol. XXVI, No. 4, Page 51

The leader of a new cult in South Florida claims he is God. Many Hispanics are falling for his deception—and lining his pockets. Puerto Rican preacher José Luis De Jesús Miranda says a wondrous thing happened to him in 1976 when he was living in Massachusetts. He claims that two heavenly beings took him to a marble hall where an apparition merged with his body and began to speak inside of him. De Jesus Miranda believes that he and Jesus Christ became one and the same in that instant.

“Ever since that day, I can’t learn from anybody—and I mean no one,” De Jesús Miranda recently told Miami New Times, a weekly South Florida newspaper. De Jesus Miranda fits the classic profile of an egotistical religious con man.

The voice inside De Jesús Miranda’s head later told him to move to Miami, where he founded his controversial Creciendo en Gracia (Growing in Grace) church along with a TV studio. He attracts a relatively small following in Miami, only 500 members, but the group has spawned 300 additional congregations with 100,000 members, mostly in Latin countries. Meanwhile his TV program reportedly reaches 2 million.

De Jesús Miranda sounds like another David Koresh in the making.All his followers call him Daddy. Many of them wear T-shirts with De Jesús Miranda’s face and a bold slogan, “GOD HAS COME.” Their cars are adorned with license plates that say: “Creciendo en Gracia: The Government of the Kingdom of God.” De Jesus Miranda began calling himself El Otro (The Other) in 1999, and then in 2004 he announced that he is Jesus Christ.

His doctrines are bizarre. He tells his followers they can live any way they want to because sin doesn’t exist and the devil is dead. He also teaches that Christian churches are led by “ministers of Satan,” and he encourages members of his organization to stage protests at church services and Christian events. Creciendo en Gracia members are encouraged to scream at people and carry placard with messages such as “THE DEVIL WAS DESTROYED.”

According to New Times reporter Mariah Blake, such protests have grabbed headlines in Miami and throughout Latin America. In Colombia, for example, De Jesús Miranda’s followers recently staged simultaneous protests in 22 cities.

De Jesús Miranda does not hide his intentions. “My purpose is to close down every church so the true church can begin,” he told the Miami paper. “You could say I’m leading the greatest reformation that has ever happened.

I guess you could say that. Or you could say that another deceiver is on the loose—and this one is targeting the Spanish-speaking world.

De Jesús Miranda fits the classic profile of an egotistical religious con man. He lives in a mansion, drives a BMW, wears lots of diamonds and spends $300,000 a year on bodyguards. Meanwhile many of his staff volunteer their time and give up to 80 percent of their income to the church.

One member of Creciendo en Gracia, Miami businessman Alvaro Albarracin, told New Times that his Internet company was divinely blessed because he gave $12,000 a month to the church. After making millions he sold the business to work for De Jesús. Now he buys and sells businesses and gives all the proceeds to the group. Albarracin said: “I wanted to devote my life to Dad. I truly believe he’s my God, my Creator.”

The newspaper also reported that Albarracin’s involvement in the cult triggered a breakup with his first wife. Interestingly, De Jesús Miranda left his own wife in 1999, and he later married a Colombian woman he was living with.

What is most alarming about Creciendo en Gracia is the level of blind loyalty his followers display. The group’s Web site proclaims: “We are going to shut the mouths of those dogs [speaking of Christian churches.] We are ready to give our lives for this!”

Sounds vaguely like what the Branch Davidians said of Koresh.

Even though there are unconfirmed reports that a protest in Colombia last December resulted in a stabbing, De Jesús Miranda insists that his church is nonviolent. Yet the leader of this bizarre sect also claims that his church will one day rule the world.

Mr. De Jesús Miranda is wrong. Jesus is still on the throne, sin is still sin and Satan is not dead. The devil is still pulling the same tricks out of his bag to deceive the masses using human stooges who claim they are messiahs. Let’s pray for Miami and all the people who have been brainwashed by this false prophet.

Kagaya ito ng isang Pilipino na nagsasabing siya ang “Elected Son of God” at siya ang “Audible Voice of God.” Na Davao ang bagong Jerusalem. Na siya ang tagapagmana ng kapangyarihan ni Jesu-Cristo at ang kanyang kaharian dito sa lupa. Na noong Abril 13, 2005 siya na ang dapat na pakinggan ng mga tao, sapagkat ibinigay na ni Jesu-Cristo ang kaharian sa kanya bilang isang anak. Ilang ulit na sinasabi niya sa kanyang programa sa telebisyon: “I am the Way, the Truth, and the Life.” 2003 daw ang taon na ipinahayag na si Jesu-Cristo ang Ama, at siya ang napiling anak ng Dios para sa mundo. Kilala ba ninyo siya? Siya si Pastor Apollo C. Quiboloy—isang mapagpanggap na Cristo, bulaang mangangaral o propeta, at ayon sa kanya siya ang napiling anak ng Dios na magmamana ng kaharian ng Dios dito sa lupa. Sa Korea, mayroon din silang isang taong nagsabing siya ang Mesias o Cristo—si Sun Myung Moon(?) leader ng mga Moonies.

3. Pagkabuhay na Mag-uli. Sa sinabi ni Jesus sa mga alagad na kasama niya, mayroong pagkabuhay na mag-uli. Siya mismo ang mabubuhay mula sa mga patay. Ang sabi sa 1 Corinto 15:20—“Ngunit ang totoo, si Cristo’y muling binuhay bilang katibayan na muling bubuhayin ang mga patay.” At sa talatang 52 mababasa natin ito: “Pagtunog ng trompeta, ang mga patay ay muling bubuhayin at dina mamamatay.”

Sa Lumang Tipan, sa aklat ni Isaias, sa Isaias 26:19 ganito ang sinasabi: “Ngunit ang mga anak mong namatay ay muling mabubuhay; mga bangkay ay gigising at aawit sa galak; kung paanong ang hamog ay nagpapasariwa sa lupa, gayon ang Espiritu ng Dios, nagbibigay-buhay sa mga patay.”

Maging sa Daniel 12:2 ito ang ating mababasa: “Mabubuhay ang marami sa mga namatay sa lahat ng panig ng daigdig; ang iba’y sa buhay na walang hanggan, at ang iba’y sa kaparusahang walang hanggan.”

Pangwakas

Suriin nating muli ang mga aral na makukuha natin sa mga talatang ating pinagbulaybulayan. Una, mayroon tayong bundok na aakyatin na kasama natin si Jesus—ang bundok ng pananampalataya. Pangalawa, hindi tayo dapat gumawa ng mga kubol na para sa ibang nilalang. Iisa lamang ang may karapatan—ang ating Panginoong Jesus. Pangatlo, may buhay na walang hanggan na naghihintay sa mga nananampalataya at tumatanggap sa Panginoong Jesu-Cristo. Wala nang iba pa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home